Raradangan-Macabasa Bridge pormal ng na naiturn-over sa mamayan ng barangay! Hiling ni Mayor Jesus Susing Sacdalan na Alagaan ang tulay.

Pormal ng pinasinayaan ang tulay na nagkakahalaga ng Php 80 milyones, noong Mayo 30, 2024. Sa pagsisikap ng tanggapan ni Congressman Joel Sacdalan at sa pamamagitan ng DPWH ay natupad na ang matagal na inaasam na tulay ng mga residente. Ang tulay na ito ay kumokonekta sa barangay Raradangan hanggang sa barangay Macabasa kung saan ay napakalaking tulong upang ligtas na makatawid ang mga dumaraan na hindi na kailangang tawirin ang lubhang mapanganib na ilog.Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Susing Sacdalan sa tanggapan ni Cong. Joel Sacdalan at kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, sa pagsuporta sa proyektong imprastraktura ng lokal na pamahalaan.

Ang turn over ng tulay ay pinangunahan ni Congressman Joselito S. Sacdalan at Mayor Susing Sacdalan, kabilang naman sa mga dumalo ay sina Vice Mayor. Leoginildo Calibara,SB Victor Sacdalan, mga punong baranggay, kawani ng DPWH, DAR, TESDA 12 Regional Director Rafael Y. Abrogar II, MUST construction at iba pang LGU officials ng Alamada. Sa ilalim ng programang IHEELP ni Cong.Sacdalan ay patuloy pa ang pagpapatayo ng mga tulay para sa malalayong barangay.

Facebooktwitterredditpinterestlinkedinmail