Β Executive Order No. 29, s. 2017: Buwan ng Hulyo bilang National Disaster Resilience Month (NDRM)Β
Sa bisa ng Executive Order No. 29, s. 2017, ay idineklara ang buwan ng Hulyo bilangNational Disaster Resilience Month (NDRM)
na dapat sundin sa buong bansa bawat taonsa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad na may kaugnayan sa pagbuo ng disaster
resilience.
Upang makatulong sa komunidad sa panahon ng mga hamon, ang Alamada Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa
tulong ng Bureau of Fire Protection (BFP) ay nagsagawa ng 5-day Basic Rope Rescue Training na nagsimula noong Hulyo 8-12, 2024 para
sa mga miyembro ng Alamada Emergency Response Team (ALERT).
Bahagi sa kanilang pagsasanay ang Ropemanship, Anchor System, Rope Rescue Mechanical Advantage, kabilang ang High Angle Set up, Low Angle Set Up,
Search and Rescue for Collapse Structure at Hailing. Lubos ang pasasalamat ng MDRRMO Alamada sa matagumpay na pagsasanay ng mga barangay lalo na
sa ating Municipal Mayor Jesus “Susing” Sacdalan, SB Members, Vice MayorΒ Toto Calibara, Barangay Kapitan, at MDRRMO Staff/Personnel.