On May 23, a groundbreaking ceremony was held in Sitio Mimbalawag, Barangay Dado, Alamada, Cotabato for the construction of a JCT-Mimbalawag-Barowin-Basaque facility to support banana, coffee, and Highland Vegetables marketing and production for the unification of the local economy.
Idinaos ang groundbreaking ceremony noong Myerkules, May 23, sa Sitio Mimbalawag, Dado, Alamada bilang hudyat sa pagsisimula ng konstruksyon ng daanan mula JCT.Mimbalawag-Barowin-Basaque na naglalayong masuportahan ang produksiyon ng Banana, Coffee at Highland Vegetables at marketing para sa pag unlad ng ekonomiya ng mga mamamayan.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng Php 76 milyones at inaasahang matatapos sa loob ng 245 calendar days. Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng tanggapan ni 1st District Representative Congressman Joel Sacdalan sa ilalim ng kaniyang programang pang imprastraktura at sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Jesus N. Sacdalan.
Ang hakbang na ito ay patunay sa dedikasyon ng pamahalaan na mapabuti ang imprastruktura at suportahan ang lokal na industriya para sa pangkalahatang pag-unlad ng komunidad. Inaasahang ang bagong kalsada ay magpapadali sa transportasyon ng mga produktong agrikultural, magpapalakas sa mga oportunidad sa kalakalan, at sa huli ay makakatulong sa paglago ng pamumuhay at kagalingan ng mga tao.