Sa ikalawang pagkakataon, bumisita ang mga kinatawan ng Rural Transit Mindanao, Inc. (RTMI) sa tanggapan nina Mayor Susing Sacdalan at Vice Mayor Toto Calibara, Jr. upang opisyal na pag-usapan ang kanilang magiging operasyon sa bayan ng Alamada.
Dala ng mga kinatawan ng RMTI ang isang kulay pula at puti na bus ng nasabing kompanya at ipinarada ito sa harap ng bagong Alamada Municipal Building ngayong araw upang asikasuhin sa Lokal na Pamahalan ang kanilang kakailanganin sa pagsimula ng operasyon ng kanilang bagong ruta.
Dumalo din ang mga kinatawan sa 95th Regular Session ng 10th Sangguniang Bayan ng Alamada na ginanap sa SB Session Hall, 2nd Floor, Alamada Municipal Building sa ganap ng alas 9:00 ng umaga, Mayo 3, 2021 at tinalakay ang operasyon at ruta ng RTMI bus na magsisilbi sa libo-libong Alamadians.
Ang pagdalo ng RTMI sa 95th Regular Session ng 10th Sangguniang Bayan ng Alamada.
Dumalo din si Mayor Jesus Sacdalan sa 95th Regular Session ng 10th Sangguniang Bayan ng Alamada na ginanap sa SB Session Hall, 2nd Floor, Alamada Municipal Building.
Isa din sa mga napag-usapan ay ang pagbibigay ng Authority to Operate sa kompanya ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng isang SB Resolution, at magsisimula na ang operasyon ng Rural Transit Mindanao Inc. dito sa bayan ngayong Mayo 5, 2021 (Miyerkules).
Una nang bumisita ang mga kinatawan ng RTMI sa Munisispyo ng Alamada noong huling linggo ng Abril ngayong taon para sa isang Coutesy Call sa tanggapan nina Mayor Sacdalan at Vice mayor Calibara. Huling linggo rin ng Abril nang humarap ang mga kinatwan ng nasabing kompanya kay Governor Nancy Catamco upang opisyal na ipaabot ang plano ng kanilang kompanya at ang detalye ng rutang dadaan sa ilang lugar ng Cotabato Province.
Alamada Mayor Sacdalan, Vice Mayor Calibara at mga kinatawan ng RMTI during Courtesy Call nong huling linggo ng Abril 2021.
Governor Nancy Catamco at mga kinatawan ng RMTI. | Photo from Governor Nancy A. Catamco facebook Page.
Ang bayan ng Alamada ay isa lamang sa dadaanan ng bagong ruta ng RTMI bus na may biyaheng Cagayan De Oro City patungo ng Cotabatp City at vice versa. Mula sa Cagayan de Oro City, ito ay dadaan sa bayan ng Talakag Bukidnon patungo sa mga bayan ng Banisilan, Alamada, Libungan, Pigcawayan hanggang sa Cotabato City.
Ang Rural Transit Mindanao, Inc. (RTMI) ay nakabase sa Cagayan de Oro City at ito ay sister company ng Mindanao Star Bus Transport, Inc. (MSBTI) na nakabase sa Davao City.
Ang isang bus ng RTMI at ang representatives ng kompanya, SB Members at mga staff ng LGU Alamada.